Children & Youth, Education, Volunteerism |
Oct 01, 2022 |
Volunteer Event
vol·un·teer 1. isang taong tumutulong para sa bayan na walang hinihintay na kapalit >>> Samahan niyo kami bilang vol·un·teer ng Angat Buhay Literacy Hub - Marinduque, at siguraduhing bawat bata ay nakakabasa!
Ang call for volunteers na ito ay para sa DISTANCE VOLUNTEERS ng Angat Buhay Literacy Hub - Marinduque. Ang DISTANCE VOLUNTEERS ay mga volunteers na wala sa probinsya ng Marinduque ngunit makatutulong sa Hub sa pagbuo ng online pubmats, videos, merchandise designs, at paghahanap ng partners.
Magkakaroon ng isang virtual volunteer orientation para sa gagawing asynchronous online training ng mga interesadong volunteers. Tanging completers ng asynchronous online training na ito ang magiging OFFICIAL VOLUNTEERS ng ABLH-Marinduque.